Refer and Earn With MICI: Isang Oportunidad Para Kumita Ngayong New Normal

Gusto mo ba ng extrang kita at makatulong sa iba kahit nasa loob ka lang ng bahay? Read and learn more!

Ano ang mga insurance products na kasali sa Refer and Earn Program ng MICI?

Isa sa mga pinakamadaling paraan upang kumita ng pera ngayon nang hindi kailangang lumabas ng bahay ay ang pagrefer ng isang produktong pinagkakatiwalaan mo na sa iyong mga kaibigan, kapamilya, at kakilala. Kaya naman, ikinagagalak ng Metropolitan Insurance Company, Inc. o MICI na ibahagi sainyo ang bagong Refer and Earn Program nito na may misyong mabigyan kayo ng mura at maaasahang proteksyon, pati na rin ng kakayahang madagdagan ang inyong kita ngayong ‘new normal.’

 

Personal Accident Insurance

Ang Personal Accident Insurance ng MICI ay nais ihanda ang sarili mo at ang iyong pamilya sa mga biglaang bayarin kaugnay ng accidental death, permanent disability, burial, at gastusing medikal.

Third Partly Liability (TPL) Insurance

Ang Third Party Liability o TPL ay isang insurance policy na nire-require ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpaparehistro ng kotse o motor. Pino-protektahan ng TPL ang may-ari o ang nagmamaneho ng sasakyan mula sa mga biglaang pinansyal na pananagutan sa taong napinsala ng isang aksidente gamit ang insured na sasakyan.

Paano nga ba kumita sa Refer and Earn Program ng MICI?

Simple lang ang kailangan mong gawin para kumita sa programang ito. Pumunta lamang sa google form link na ito, https://tinyurl.com/y3u5exjy at sagutan lahat ng mga katanungan. Kapag na-isumite mo na ay may ipapadalang referral code ang aming team sa iyong email. Ang ‘referral code’ na ito ang gagamitin ng mga kaibigan mo sa pagbili ng Personal Accident Insurance o TPL Policy. Pagkatapos ng bawat successful transaction ng iyong mga kaibigan gamit ang iyong referral code ay pwede mo ng hintaying pumasok ang iyong kita sa Gcash o di kaya’y sa Bank Account mo.

Sa bawat matagumpay na pag gamit ng mga kaibigan mo ng referral code ay pwede kang kumita ng Php 25 galing sa TPL policy, at Php 10 naman galling sa Personal Accident Insurance. Para naman sa’yong na-irefer, ito ay makakakuha ng Php 10 discount sa pagbili nya ng Personal Accident Insurance at Php 15 naman sa TPL Policy. Madali lang, hindi ‘diba? At kapag mas marami ang gumamit ng referral code mo ay siguradong mas lalaki ang kita mo!

For further inquiries on our products and its coverages, send us an email at [email protected].

Post a comment